Ang Paglilikot ng mata ni Pilo sa Vigan
Ang Vigan siguro ang isa mga pinaka gusto kong lugar na napuntahan ko at isa na rin ito sa sigurado akong babalikan at babalikan ko pa. Kasama nila Paul at Tatay Ed ay nalibot ko ang isang lugar na di na ata mauubusan ng tanawin na subject para malikot kong mata. Bilang nag-aasam maging photographer, isa itong lugar na dapat minsan sa buhay natin ay mabisita. Isang lugar kung saan rich in inspiration kung baga. Ito yung lugar na di ka magugutom at kung adventurous ka sa pagkain ay isa ring lugar para bisitahin. Dito ako ulit nakakain ng palaka (“tokak” in Local dialect) after a long time, gusto ko sana tikman yung ant eggs kaso out of stock. Sayang. Dito din ako nakakain ng “Sinanglao,” “Warek-Warek,” “Lomo-Lomo,” at ang Empanadang Vigan!
Laking pasasalamat ko kay Manang Mads, Papa Doc at kay Tita para sa isang malupit at rich in inspiration na byahe at syempre sa kasama kong sina Paul at Tatay Ed. Ito muna ang ilang kuha ko. Sa susunod ko na kwekwento ang buong storya.
*note: click niyo nalang po yung image for a larger view! Thanks!











