para kay Mamu Upeng

subo-subo ang munting bote ng gatas at pilit nag papaantok. pilit kong pinapatulog ang munti kong katawan, pilit pinipikit ang mumunting matang sanay sa kadilim ng aking kwarto. nananabik sa isa nanamang kwento ng aking ina.

sino naman kaya ang ibabahagi niya sa akin?

pagbuklat ng itim na libro at pag lipat ng ilang pahina ay muli ko nanamang nakasalamuha sina tobias at rapael. At naglalakbay sa mundo nilang mahiwaga, tangan tangan ni ina. ngunit unti-unti na akong napipikit, kaya’t tinapik ako ni ina at pinag tabi ang aking palad at nag wika ng mga salitang sa kin noo’y banyaga pa. tila isang mahiwagang awit ang kanyang binibigkas. ramdam ko ang lambing at lamig ng kanyang tinig sa bawat talastas ng kanyang sinasabi. alam ko at ng aking diwa na ako’y ligtas sa kahit na anong panganib na ibibigay ng dilim at gabi. bilang pabaon ay binigyan nia pa ako ng isang guhit pababa at isang guhit pakaliwa sa aking noo. Alitanda ng krus, at isang halik sa pisngi. napikit at unti-unting nawala at sumuko sa lamig ng gabi.

naglaon at unti unti ko nang nalaman at nadiskubre ang salamangkang kanyang sinasambit na nagbibigay kapayapaan sa musmos kong diwa. isang panalangin. Ganito daw magdasal, kausapin ko daw ng mataimtim ang taong nagbigay sa akin ng lahat ng aking nakikita, at nadadama. magpasalamat at ako ay buhay pa at may kinakain. at humiling na sana’y magpadala siya ng anghel dela guwardiya upang ako at ang aking pamilya ay bantayan laban sa kadiliman ng gabi.

ito ang naging pabaon at munting paalala sa aking ni ina. Naging sandata habang namumulat ako sa kagandahan at kapangitan ng mundo. Pilit inaalala ang mabining tinig ni ina, at muling maramdaman ang kapayapaang noon ko lamang nadama. Isang epektibong sandata kapag ako ay natatakot o di kaya ay naliligaw. Kapag di ko alam ang gagawin o gusto ko lamang ng kausap pag ako ay nag-iisa o nalulungkot.

Ngunit sa pagdaan ng mga araw, buwan at mga taon ay di ko maiwasang makalimot. Makalimutan ang tinig ni ina, at mabingi sa mapang akit na liriko ng mundo, mabulag sa sayaw na ibinibigay nito at maligaw sa mapanglaw nitong daan. Pilit kong sinasabi na kaya ko na, ngunit takot pa rin ang sa akin ay nangunguna. Sa sandali, ng aking kamangmangan at pagkaduwag sapilitan kong ibabangon ang katawan kong pata, at pilit itatayo ang diwang ligaw, pilit susundan and dilim na nagbabalatkayong liwanag. Pilit sasabihing hindi ko na kailangan ng tulong. Madadapa at muling babangon.

Sa bandang huli, kapag di ko na kayang muli pang tumayo, isang hangin ang sa akin ay yayapos, sasabihing wag matakot at alalahanin lamang ang munting panalangin ni ina. Hindi pa huli ang lahat. Naghihintay lang ng utos ang kaibigan mong may pakpak, muling isusuugo upang ika’y bantayan, tulungan, at gabayan.

Sa hudyat na ito ay pilit kong ipaalala ang pangyayaring minsay akin nang nalimot. Ang matamis na alaala noong akoy isang musmos pa lamang. Pipiliting patahimikin ang mga kaguluhang gumugulo sa utak kong magulo at lulunukin lahat ng pangamba at isusuko lahat ng kaba. Muling magpapatirapa, luluhod, pipikit at huhugot ng isang buntonghininga. Kasabay ng pagsamo, at panalanging ako sana’y di nag iisa. Gabayan nawa ako ng Diyos na mapagpala. Di ko kaya to nang nag iisa. Sa katahimikan ng dilim alam ko na ako’y pagbibigyan, papairalin ang tiwala at muling aasa. At ako’y muling mapipikit. At muling maririnig ang awit ni ina. Muling mababalot ng kapayapaan at maiidlip sa alitanda ng crus, sa piling at bisig ng aking anghel dela guwardya.

Advertisement

~ by pilodevega on October 21, 2009.

One Response to “para kay Mamu Upeng”

  1. haruuu. cheesy… hehehe adi kaw na mgaling magtagalog. hmp hahaha…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.